Bisto ang Bumbero

. Monday, June 7
2 Ang Humirit

Dormitory, siksikan na
Paupahan, jampack pa
Boarding House, naglipana
Bureau of Fire, concern sila

Safety raw ng mga kabataan
Para sunog ay maiwasan
Yan bang kanilang tinitingnan
O di kayay meron silang sinisilipan

Sisilipan, o sisilipan
Mga dingding at bubungan
Faulty wirings ng mga paupahan
Ng di sila maperwisyohan

Inspection nyo, bat ngayon lang yan
Di ba dapat noong bakasyunan
Pinoy talaga, kahit kailan
Delikadeza dapat pang turuan

Kaya heto na naman ako
Di mapigilan ang pag alburoto
Kung hindi kayo magbabago
Sa Bumbero ako magtatrabaho

Papasok na naman si Juan

.
1 Ang Humirit

mga kabataan pasukan na naman
ready ka na bang makipagsiksikan
sa jeep o bus o sa mrt
di makasakay ang mga maarti

good morning maam, gud morning ser
nagtuturo samin student teacher
she look so beautiful, she look so fair
kaya lang sa room, kulang kulang ang chair

o mga magulang, kumusta na kayo
matrikula bay mataas na masyado
di bale na lang uutang kayo
anak nyo naman matatas ang grado

pulitiko pulitiko, nasan na kayo
pangako nyo nong kayoy kumakandidato
prioridad nyo edukasyon ng anak ko
bat eskwelahang publico tilay pribado

hanggang dito na lang ang rap na ito
feeling ko tuloy akoy gumagwapo
kaya kilalanin nyo po ako
DJ Juan ang pangalan ko

Bakit Nga Ba Natalo Si Villar sa Pagka-Pangulo?

. Monday, May 17
0 Ang Humirit



Pangatlo lamang si Sen. Manny Villar sa resulta ng Election sa Pagka-Pangulo! Ang mga botante naman kasi, imbes na initiman ang bilog sa balota - Check ang inilagay dito!

Photobucket

Bakit Nga Ba Natalo Si Mar Roxas?

.
0 Ang Humirit



Iisa ang itinuturing dahilan kung bakit natalo sa pagka-bise presidente ang candidato ng Partido Liberal. Inakala umano ng mga bumoboto na ang tunay na pangalan ni Mar ay - JojiMAR!
Photobucket

Incredible Ink

. Monday, May 10
0 Ang Humirit



Sa isang Interview: "Kahit papano nakaboto rin kami, at heto nga oh, nilagyan pa nga kami ng INCREDIBLE INK.

Photobucket

Baron Geisler, CineMalaya's Best Actor

. Tuesday, July 22
1 Ang Humirit


Baron Geisler, proud na proud ng itinanghal bilang Best Actor sa CineMalaya Awards! Malakas na rin di umano ang kanyang paniniwala na mapapawalang sala siya sa kasong kinasasangkutan laban sa anak ni Mr. Martinez, kahit sa korte pa sila umabot! Sana lang uubra rin doon ang kanyang pag-acting!
Photobucket

Marian Rivera, FHM Sexiest Woman 2008

.
1 Ang Humirit


Si Marian Rivera na ang bagong Sexiest Woman ng FHM for 2008! At dahil sa kanyang wholesome image, nangangarap na lang ang fans na sana'y magpakita naman sya ng kahit na... kaliskis na lang!
Photobucket

Indonesian Bussinesman, Nagpa-ulan ng Pera!

. Monday, June 2
0 Ang Humirit


Negosyante sa Indonesia, nag-pa-ulan ng Pera! Mga tao, nag-agawan! Negosyante dito sa Pinas, magpapaulan rin daw, pero hindi pera, kun`di listahan ng utang! Mga tao, siguradong magtatakbuhan palayo!
Photobucket

Pacquiao at Diaz, Sino Ang Lamang?

. Monday, May 26
0 Ang Humirit


Nagkaharap na kamakailan sina Pacman at David Diaz, para sa nalalapit na laban nila sa Hunyo 28! Sa kanilang pagkakaharap, nalaman na rin kung sino ang mas llamado sa laban! Ayon kay Pacman, "Ah, mas lamang tayo! ...kasi artista ako eh! Mas lamang ako sa pogi points!"
Photobucket

NFA: No Rice Shortage

. Monday, May 5
0 Ang Humirit


Siniguro ng National Food Authority na hindi mauubusan ng bigas ang Pilipinas! Ngunit ang problema ng mga mamamayan, hindi ang stock ng NFA na bigas, kundi ang pambili ng bigas!
Photobucket

Solusyon sa Tumataas na Crime Rate!

.
0 Ang Humirit


Normal na sa atin ang mapanood sa telebisyon ang may pinapatay! Tila walang nagagawa ang mga Man in Uniforms para masolusyonan ito o mapigilan man lang ang pagtaas ng crime rate! "Ano, Boss... hihintayin pa ba natin si Iron Man?"
Photobucket

Matagal ng Malalang Karamdaman, Ngayon Lang Naibunyag!

.
0 Ang Humirit


Nepotism, ang karamdamang ngayon lang naibunyag pero matagal ng sakit ng mga pampublikong opisina! Kung alam nyo lan, laganap na po yang sakit na yan! "Bossing, ang Government Offices ay hindi po Family Bussiness!"
Photobucket