Mga Manok ng PGMA para sa 2010 Elections, Bigyan ng Exposure sa Pagka-Gabinete!

. Wednesday, April 30
0 Ang Humirit


Papalit sa pwesto ng mga tatanggalin Gabinete ay mga manok raw ng Pangulong Arroyo para sa 2010 Presidential Election! Maganda yan para habang maaga makikilala na natin kung sino ang mga De Raza at De Administrasyon! At sana pagdating ng 2010, alam natin kung kanino tayo tataya!
Photobucket

Austrianong Tatay, Nagsalita sa Pagkulong nya sa Anak ng 24 years!

.
0 Ang Humirit


15 years lang makukulong ang Austrianong Tatay, na nagkulong sa basement ang kanyang anak, at inanakan ng 7, kasama ang isang namatay, at kambal! Ayon sa Ama, nais nya lang umano gumawa ng kanyang bersyon ng reality show na Big Daddy House! (Pinoy Big Brother naman sa atin dito)
Photobucket

Ang Malansang Isda

. Monday, April 28
0 Ang Humirit


Marami tayong mga napapanood at nakikita, mga Pilipinong pilit mag-ingles. Kahit nagno-nose-bleed, hirit pa rin ng hirit, mali mali tuloy ang sinasabi. Huwag po sana nating kalimutan ang sinabi ng ating National Hero na si Dr. Jose Rizal, "ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay higit pa sa isang malansang isda!" Pero, sa tingin ko, kung sing-ganda naman ni Marian Rivera ang isda... Hayaan nyo na!
Photobucket

Baron Geizler, Nanghipo ng Boobs!

.
0 Ang Humirit


Haharap sa kasong sexual harassment si Baron Geizler laban sa anak ni Mr. William Martinez. Obviously, lasing nga itong si Baron nung nangyari yon... I don't think gagawin nya iyon kung nasa matinong pag-iisip sya. Kasi pareho kami ng taste ni Baron eh! Ang mga type namin kasi... ...Guys!
Photobucket

Wage Increase sa Labor Day, Malabo!

.
0 Ang Humirit


Dagdag sahod sa Labor day, malabo raw maitupad ng pamahalaan! Kaya iginiit ng Pangulong Arroyo ang Non-wage benefits para sa mga Pilipinong manggagawa! Bakit kaya ganito; pero pagsinabing tataas ang crudo sa World Market, automatic ang pagtaas ng presyo ng gasolina at bilihin!
Photobucket

Simbahang Katolika, hindi sang-ayon sa P5 B Anti-poor Aid

. Sunday, April 27
0 Ang Humirit


P5 Billion subsidy na inilaan ng pamahalaan para sa mga mahihirap, hindi aprub para sa Simbahang Katolika! Tinuturuan lang daw nito na maging tamad ang mga Pinoy! Ayon pa nga raw sa Bibliya, "Huwag mo syang bigyan ng isda, kundi turuan mo syang mangisda!" Pero palagay ko, sa dami ng mga mahihirap, malulunod ang ating bangka!
Photobucket

Ara Mina's P15 M worth House!

.
0 Ang Humirit


P15 Million worth bahay ni Ara Mina, nai-feature ni Korina Sanchez sa Rated K! Sobrang ganda at colorful ng bahay! Ako, kailan kaya ako magkaroon ng ganoong kagarang bahay? Sayang, hindi ko itinuloy ang aking pagboboksing noon! Hmp!
Photobucket

Wala ng Isda sa Dagat

. Saturday, April 26
0 Ang Humirit


Mga Mangingisda, nagrereklamo sa konti ng mga isdang nahuhuli nila sa dagat! Nakakapangamba di umano ang problemang ito, dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga isang ibinebenta sa palengke! Pero wala kayong dapat ikabahala, dahil next week, madadagdagan na ang isda natin, dahil makikita mo na si Dyesebel! Kaya huwag ka ng malungkot!
Photobucket

Kawawang OFW

. Thursday, April 24
0 Ang Humirit


Kaso ng pang-aabuso at pagmamaltrato sa mga Pinoy OFW, patuloy na dumarami! Mapa-lalaki man o babae, walang piling sinasaktan ng mga amo, or even worst, pinapatay! Abangan, mga recruiment agencies, gagawa ng hakbang! "Apply now, for Domestic Helpers abroad! Free Martial Arts Training!"
Photobucket

PCSO Power Lotto

.
0 Ang Humirit


PSCO, may bagong pakulo! Introducing... Power Lotto! P50 ang minimum bet! Mas mahal nga, pero mas malaki naman ang jackpot prize, P50 Million! Kaya ano pang hinihintay nyo, abangan na't sumali! Kung naibenta mo na noon ang kalabaw nyo, para makataya lang sa lotto, ngayon isali mo na sa bentahan ang iyong mga aso't pusa! Ipagpaliban mo na rin muna ang pagbili mo ng bigas! Good Luck, Pinoy!
Photobucket

Ang Bugaw

.
0 Ang Humirit


Kumusta ang trabaho mo? Handa ka na ba para harapin ang hamon ng araw na ito, sa iyong pagiging isang "bugaw!" Oo, dapat handa ka... para maayos mong magampanan ang iyong tungkulin bilang taga-bugaw... ng langaw sa inyong carindera!
Photobucket

Wala ng Mura Ngayon

. Wednesday, April 23
0 Ang Humirit


Umaasa ka pa ba na bababa pa ang presyo ng mga bilihin? Aba'y matulog ka na lang dahil sa panaginip na lang matutupad yan! Wala ng mura ngayon, lahat mahal na! Siguro ang tanging mura ngayon na maririnig natin, ay andyan sa kalsada nagpo-protesta o di kaya'y pumipila! Maraming nagmumura dyan!
Photobucket

Pacman's Nike Commercial

.
0 Ang Humirit

Magandang balita! Manny "Pacman" Pacquiao, kasama sa bagong advertisement ng Nike! Pero ang mas maganda, walang dialogue ang commercial! Kapag nagkataon, matulad ito sa Alaxan EP-R!
Photobucket

Ghost Employees of Subic

. Monday, April 21
2 Ang Humirit


Mga empleyado sa Subic na matagal ng patay, sinuswelduhan pa! Mga buhay, nagrereklamo na! Abangan, ang paghaharap sa kaso. People of the Philippines vs Dead Subic Employees

Gerald Anderson, Ayaw Pumatol sa Bading!

.
0 Ang Humirit


Gerald Anderson, tumangging gay benefactor, dahil hindi raw sya pumapatol sa bading. Kaya ikaw dyan, huwag ka ng mag-ambisyon, wala ka ng chance! Dun ka na lang kay Fafa Fiolo and Fafa Sam! Afrove?! Check!

Non-wage Benefits for workers - PGMA

.
0 Ang Humirit


Pangulong Arroyo, hinihikayat ang mga malalaking companya na mabigay ng non-wage benefits sa kanilang mga empleyado, para malutas ang problema ng nagmamahalang bilihin. Kaso minimum wage na nga lang at SSS, hindi pa maibigay sa mga empleyado, ito pa kaya?!

Aubrey Miles, 5 buwang buntis!

. Sunday, April 20
0 Ang Humirit


Aubrey Miles, inaming 5 buwang buntis kay Troy Montero! Pero walang dapat ikagulat ang revelasyong ito, dahil hindi na bago ang ganitong pangyayari! Magugulat kayo, kung si Troy ang 5 buwang buntis!

Kevin of PBB, ayaw magpatuli!

. Saturday, April 19
0 Ang Humirit


Hinde nagawang kumbinsihin ni Big Brother si Kevin na magpa-circumcise! Malamang natakot! Sana ganito ang pag-convince ni Big Bro; Kevin, huwag kang matakot, dahil hindi naman talaga masakit ang pagtutuli! Parang kagat lang ito ng langgam, yun nga lang, ang pinakamalaking langgam!

Lettuce Girls

. Friday, April 18
0 Ang Humirit


Activistang Lettuce Girls, malabo ang ipinapahayag na mensahe sa kanilang protesta! Dini-discourage nga ba nila ang pagkain ng karne, O ini-encourage?!

Target Ni Pacman

.
0 Ang Humirit


Pambansang Kamao Manny Pacquaio, handang harapin si David Diaz sa Hunyo, at isusunod agad sa listahan si Ricky Hatton. Pero hindi pa yan, dahil ang talagang target ni Pacman... si Tyson!

Statutory Rape

. Tuesday, April 15
0 Ang Humirit

Sa mga mahihilig sa Daisy! Daisy-Sais! Konting ingat lang po, dahil kung maging batas na ang SB-2151 ni Sen. Enrile, pwede ka ng kasuhan ng Statutory rape! (Huwag mo lang galawin yang mga estatua sa daan, sa park, lalo na yang mga manikin sa Department Store, wala kang magiging problema!)

Kaps Amazing Story No.18

.
0 Ang Humirit

Anak ng Senador Revilla, maagang nabuntis! Well, hindi naman po bago yan, kaya hindi na pwede ilagay sa Kap's Amazing Stories! Kaya payo sa mga magulang, huwag pangaralan ang iyong mga anak; "Iha, huwag ka munang mag-asawa ha!" Dahil hinde na po yan effective... kundi; "Anak, huwag ka munang mabuntis ha!"

Yellow Pan De Sal

.
0 Ang Humirit

Sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pati pan de sal magbabago na rin ng anyo, para lang mapanatilihing mura! Kaya hahaluhan na raw nila ito ng Kalabasa, para mabenta pa rin sa murang halaga! Paano na yan, hindi mo na ito maisasawsaw sa mainit na kape, dahil baka mapagdudahan kang humihigop ng sabaw!

Babala ng NFA

.
0 Ang Humirit

Nagbabala raw ang National Food Authority na posibleng tataas pa raw lalo ang presyo ng bigas! Aba'y hindi sila dapat nagbabala, dapat humihingi sila ng paumanhin... Kasi sobrang mahal na nga bigas eh, ano!